COMMISSIONER, NAG-AMOK?
Gaano katotoo ang balita na nasaksihan ng mga motorista sa
PBA south gate parking lot na umano’y nagwala si Commissioner Chito Narvasa at
pumatol sa isang courtside reporter na babae?
Ayon sa ating mga nakausap na nakasaksi sa pangyayari,
walang driver ang kilalang courtside reporter, na hindi na natin papangalan,
kaya’t napwersa siya na tumawag ng staff mula sa TV5 coverage team para
tulungan siyang bitbitin ang kanyang mabigat na make-up case at mga isusuot sa
on-cam.
Kaso ang problema, aksidenteng nabalagbag ang sasakyan ni
courtside reporter sa paparadahan ni Commissioner 'hot-tempered'. Dun kasi nakaparada
ang kanyang dark blue na Subaru sa unang slot paglabas mo ng south gate na
sakto namang hinintuan ni courtside reporter.
Sa hindi malamang dahilan, kung natatae ba o galit lang talaga
sa mundo si commissioner, binaba nito ang pobreng courtside reporter at
pinagsisigawan. Nangyari ito nuong semis ng Alaska at Meralco.
At sa kabila nang pagpigil di umano sa kanya ng asawa na nagsabing: ‘babae ata ang driver, wag mo nang patulan.’ Nanatili sa pagwawala ang league official.
Nadinig rin ng mga security personnel ng Araneta Coliseum
ang matigas na utos ni Narvasa na alisin sa master list ang courtside reporter
dahil sa wala umano itong disiplina at respeto sa kanya bilang mataas na
opisyal ng PBA.
Ang itsura umano ng pagwawala ni Narvasa ay matindi pa sa
sama ng kanyang mukha nung lusubin niya sa court si Dondon Hontiveros.
Mangiyak-ngiyak umano ang courtside reporter na pumasok sa
coliseum dahil sa kahihiyang tinamo sa PBA chieftain, na nag-amok dahil sa
hindi agad makapagbacking sa kanyang parking lot dahil sa nakabalagbag nga na
pick-up.
Buti na lamang at may katangiang maginoo si PBA
Communications and External Affairs head Willie Marcial at dali-dali nitong
inalo ang damdamin ng babaeng broadcaster. Mabait kasi at maalalahanin sa mga
tao ng PBA si Willie.
Pero ang masakit, kahit na si courtside reporter pa ang
naunang nagsorry kay Narvasa ay hindi pa rin nabakbakan ng kayabangan ang basketball official.
At sa halip na tanggapin na lang ang sorry ng slim na
broadcaster na hindi ko alam kung kamag-anak ni Rey Guevarra, ay sinalubong ito
ni Narvasa ng sagot na: “Sorry, you’ve got a crazy commissioner!”
At ilang araw matapos ang insidente, kapansin-pansing nawalan na rin ng duty the next few games ang courtside reporter. [Photos courtesy of Spin.ph]
DISCLAIMER: Views expressed in the comment section are those of the readers. SnowBadua.com may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.